Abante Tonite Interactive

May pag-asa sa kabila ng kadiliman– VP Leni

0 2,753

Hindi man direktang tinukoy ng Pangala­wang Pangulo ang sinasabi nitong panahon ng kadi­liman ngunit naging tahasan ang pagpuna nito sa naging desisyon ng Korte Suprema kamakailan na pumapabor sa quo warranto petition laban kay Supreme Court Chief Justice ­Maria Lourdes Sereno na dahilan ng pagpapatalsik dito.

Sa kanyang pagsasalita sa isang forum na ginanap sa College of Nursing ng University of Santo Tomas, hindi nito pinalampas ang pagkakataon na ihayag ang kanyang saloobin kaugnay sa kasalukuyang kinakaharap na hamon ng bansa.

Partikular dito ang nadungisang integridad ng Kataas-taasang ­Hukuman na itinutu­ring na pinakapundasyon ng hudikatura.

Ngunit sa kabila umano nito, ay may nakikita pa rin siyang dahilan upang umasa para muling manumbalik at tunay na magkaroon ng pagbabago sa bansa.

“I am reminded that there are still so many reasons to hope in these dark times..there is hope for real and transformative change for our country,” ayon sa Pa­ngalawang Pangulo.
Pinaalalahanan pa ni Robredo ang mga estudyante ukol sa kaha­lagahan ng pakikiisa at pakikiramay na ­siyang kailangan ngayon ng bansa.

Gayundin naman ang payo ng Pangalawang Pangulo sa mga estudyante na gumawa ng mabuti at ibahagi ang kanilang angking talento at galing para sa bansa.