Abante Tonite Interactive

‘May pag-asa sa Lupus!’ — CHRISTIAN

By
27

NAILUNSAD na ni Cong. Emmeline Aglipay-Villar ang librong Living Better with Lupus kamakailan sa City of Dreams.

Kasama niyang nagsulat dito sina Dr. Angeline Magbitang-Santiago, Dr. Evelyn Osio-Salido at Dr. Geraldine Zamora-Racasa.

Dumalo sa book launch si Christian Bautista na merong close friend na may sakit na lupus.
Nakita ni Christian kung paano nahirapan ang babaeng kaibigan niya na ayaw niyang banggitin kung sino dahil kilala ito.

Suportado nila ito sa paglaban sa natu­rang karamdaman.

“Nakikita mo sa kanya na kahit napapagod siya, she’s not letting lupus interfere with her life or with her circles or with her friends. Kami naman ay nandiyan kami lagi para suportahan siya,” kuwento ni Christian.

Nagpasalamat si Cong. Villar sa suporta ni Christian na nagbigay ng awitin sa pagtitipong iyun.

Inaasahan nilang ma­ging supportive din ang ibang celebrities sa adbokasiya nilang ito dahil marami sa atin ang wala pang alam sa karamdamang ito.

Hindi nila alam kung meron din sa ating local celebrities na may ganung sakit, pero sa international scene, open sina Selena Gomez, Toni Braxton, Seal, at Lady Gaga.

“Right now, I don’t know of any celebrity in the Philippines who has lupus. Sana, wala.

“Pero in the international scene, we have Selena Gomez, Toni Braxton also has lupus, si Seal has lupus. The scar on his face is a manifestation of lupus.

“Lady Gaga has been experiencing some symptoms of lupus.

“Actually, a lot of people have lupus although as I said earlier, we don’t have the exact number of those who have lupus in the Philippines, but worldwide it’s around 5 million,” pahayag ni Cong. Villar.

Sabi ni Christian, sana ang ilang celebrities natin dito ay sumuporta sa pagpaparating ng impormasyon tungkol sa lupus.

“I believe ‘yung mga celebrities or entertainer… it’s one of the responsibilities to share information to help spread awareness for lupus parang ipinapakita natin na there is hope for lupus. It’s hard, pero there’s hope,” dagdag na pahayag ni Christian.