Abante Tonite Interactive

May pagbawas bang nangyari sa Grab rate?

By
220

Nagpetisyon ang Grab Philippines sa Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) para bawiin ang suspension order sa kanilang sinisingil na P2 per minute charge.

Sa petisyon ng Grab, ginagarantiya umano ng Konstitus­yon ang kautusan ng LTFRB at nakapaloob sa kanilang fare structure ang paniningil ng per mi­nute charge na ipinatutupad din ng ilang mga Transport Network Company (TNC) pero bawal ang Grab.

Naging balita ang suspension sa overcharging ng Grab pero kuwento ng isang kaibigang rider ng nasabing TNC, hindi raw niya ramdam ang ipinataw na suspensiyon dahil talaga namang nakakagulat pa rin ang presyong bumabalandra sa kanyang cellphone sa tuwing magpapa-book.

Kaya tiyak na mag­huhuramentado ang mga rider ng Grab kung kakatigan ng LTFRB ang kanilang hirit na maibalik ang da­ting P2 kada minutong sinisingil nila sa mga pasahero.

Naku, hindi dapat magbara-bara ang LTFRB sa usaping ito dahil malinaw namang may pag-abuso at pagsasamantalang nangyayari.

Saan ka naman nakakita ng isang public transport na sila ang nagdidikta ng pres­yong gusto nila. Kaya tuloy gumagaya ang ilang grupo ng tsuper ng pampasaherong jeepney at humihirit din ng dagdag singil sa kada minutong tagal ng kanilang biyahe.

Ang sa akin, sana ay maging matigas ang LTFRB sa kanilang posisyon. Huwag ha­yaang ibalik ang P2 kada minutong charge ng Grab sa mga pasaherong walang ibang choice sakyan dahil sa paglaho ng Uber.

Dapat makita ng LTFRB ang punto ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles na iligal ang paniningil ng P2 per minute ng Grab.

Hindi ba’t nauna nang inihayag ng solon na umaabot sa P3.24B ang atraso ng Grab sa mga rider matapos ang iligal na pangongolekta ng P2 per minute na kalaunan ay inamin ng Grab ang ginagawang paniningil na simula noong Hunyo 2017 pero wala itong basbas mula sa LTFRB