Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May pagsubok lagi – Barredo

0 67

Nasilip ng anim na beses nang dumalo sa Summer Paralympic Games kasama ang sa 2020+1 Tokyo ngayon ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo na palaging may mga kakaibang pagsubok at suliranin ang mga para athlete.

Ang pinakamabigat sa lahat aniya ay ang sa ika-16 na edisyon ngayong taon dahil sa pandemyang Covid-19, na gumambala sa kanila mula pa sa training, qualifying at competition. Pero pasalamat pa rin siya sa pagkalinga sa kanila ng Philippine Sports Commission

“In fairness, we have nothing to say but thank the PSC chairman Butch Ramirez for the all-out support they have given our athletes including their separate bubble training before leaving for Tokyo,” panapos na litanya ng opisyal. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.