Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May pakinabang sa mga batas na nagawa ni Sotto

0 86

Nakakalungkot ang mga tao ngayon. Marami sa kanila hindi nakakaala ng kasaysayan partikular sa author o akda ng mga mahahalagang batas na napapakinabangan ng lahat sa kasalukuyan.

Isa na diyan ang batas sa paggamit sa calamity funds. Para sa mga hindi nakaalaam, Senate President Vicente Sotto III ang principal author ng Republic Act 8185 o paggamiot ng calamity. Naging batas ito noong 1996.

Sa pagkakaalam ko, limang porsiyento ng total revenue ang nagagamit ng mga local government unit (LGU) para sa kanilang pangangailangan. Kaya nga hindi na raw kailangang magdeklara ng pangulo ng state of calamity para magamit ng mga LGU.

Kaya nga, pag may nagtatanong, ano ba ang nagawa ni Sotto? Sa totoo lang, marami at isa niya ay iyong ayuda na nabibigay ng gobyerno tuwing may sakuna at si Sotto ang nakaisip niyan.

Dahil alam ni Sotto ang pangangailangan ng LGU lalo na kapag panahon na sakuna o kalamidad, isa pa nga siya sa nagsulong dagdagan ang calamity fund para sa taong 2021 para matulungan ang mga nabiktima ng bagyo, baha at iba pa.

Kung tutuusin, kulang talaga ang P20 bilyong calamity fund sa dami ng kalamidad na tumatama sa bansa kada taon. Hindi ba’t may average ng 20 bagyo na tumatama sa bansa kada taon? Kahit nga patapos na ang taon, binabayo pa tayo ng bagyo.

Kapag malaki ang iniwang pinsala ng kalamidad, tulad nang ginawang pananalasa ni Odette malaking bahagi ng Visayas, Mindanao at sa Southern Luzon, aba’y kulang na kulang pa ang P20 bilyong calamity fund na yan para makarekober sila.

Kaya nga ang gusto noon ni Sotto na dagdagag pa ng P10 bilyon ang calamity funds para naman mas malaki ang maibigay ng pondo sa bawat local government units at matulungan makabangon ang mga nabiktima ng kalamidad.

Kamakailan, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-repeal o bawiin ng Kongreso ang batas kaugnay sa pagdedeklara ng state of calamity tuwing may tumatamang kalamidad sa Pilipinas.

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang Republic Act No. (RA) 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 kung saan nakapaloob ang pagdedeklara ng state of calamity.

Subalit giit ni Sotto, hindi naman daw kailangan ng pangulo na madeklara ng state of calamity para mapabilis ang emergency operation sa panahon ng kalamidad.

Ang kailangan daw ay amyendahan ang Local Government Code kung saan bibigyan ang local council ng kapangyarihan na magproklama ng localize state of calamity at i-tap ang emergency funds.

Leave A Reply

Your email address will not be published.