Abante Tonite Interactive

May Pasko na sa ‘Pinas bago pa dumating si Magellan

146

Pinaniniwalaang ang unang Pasko sa Pilipinas ay ipinagdiwang 200 taon bago pa man madiskubre ni Magellan ang ating bansa na nasa pagitan ng 1280 at 1320 AD.

***

Gawa sa Germany ang unang artipisyal na Christmas tree. Ito ay gawa sa alambre na binalutan ng balahibo ng goose, turkey at ostrich.

***

Ang pinaikling ‘Xmas’ mula sa salitang Christmas ay galing sa salitang Greek. Ang ‘X’ sa alpabeto ng Greek ay may kahulugang ‘Chi’ na unang letra sa pangalang Christ.

***

Ang unang presidente ng Amerika na nag-decorate sa opisyal na Christmas tree ng White House ay si Franklin Pierce.

***

Ang pinakamala­king artipisyal na Christmas tree ay matatagpuan sa Brazil. Ito ay may taas na 170.6 talampakan. Binuksan ito sa publiko sa Moinhos de Vento Park mula December 1 hanggang January 6, 2002. Pinangalanan nila itong “Peace Tree” at dinisenyo ng Grupo Sonae Distribuição Brasil. Ang kalapati sa tuktok nito ang lalong nagpataas dito na umabot sa 180.4 feet.

***

Ipinagbawal o iligal ang anumang uri ng pa­lakasan tuwing araw ng Pasko noong 1551. Su­balit unti-unti ring ­pina­yagan makalipas ang ilang taon.

***

Ang ‘White Christmas’ at ‘Rudolph the Red-Nosed Reindeer’ ang pinakamabentang kantang pamasko.

***

Ang puno ng cherry at hawthorns ang pinaka­popular na ginagamit na Christmas tree noong ­unang panahon.