Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May problema sa isip tinodas

0 300

Patay ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip nang pagbabarilin sa gitna ng kalsada sa Candelaria, Quezon noong Miyerkules.

Ayon sa mga kaanak ng 42-anyos na biktima, dalawang beses na itong dinala sa mental hospital. Natagpuan ang bangkay nito na nakabulagta sa Sitio Bakong, Brgy. San Isidro. Ayon sa mga residente ng lugar, maghahatinggabi nang may pumasok sa lugar na isang hindi nakilalang sasakyan na sinundan ng sunod-sunod na putok.

Makaraan ang nasa 200 metro bumalik ang sasakyan at nagpaputok sa lugar kung saan natagpuan ang biktima. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng M16 rifle. Nagtataka naman ang mga awtoridad kung bakit napapunta doon ang biktima gayung 20 kilometro ang layo nito sa kanyang tirahan sa Brgy. Masin Sur.

Ayon sa Candelaria Police, bagama’t may mga kaanak ang biktima, malimit umano itong palaboy-laboy palaging inirereklamo dahil sa pambabastos sa mga nagdaraan sa lugar. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.