Abante Tonite Interactive

May sagot na sa mataas na bilihin

2,717

Sa layong palakasin ang mga presyo ng mga pangunahing kalakal at tulungan ang mga magsasaka na makuha ang pinakamahusay na presyo para sa kanilang mga produkto, ipinagpatuloy ni Gov. Imee R. Marcos ang muling pagbabangon ng sistema ng pamilihan ng Kadiwa na matagumpay na ipinatupad noong panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang mga mobile na Kadiwa outlet noong dekada 1970 ay ang pangunahing nagbebenta ng mga hilaw na pagkain at mga sangkap sa mababang ha­laga para matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya lalo na sa mga depressed areas.

Ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mu­ling pagbangon ng sistema ng merkado ng Kadiwa ay dapat na isa sa mga nangungunang programa ng pamahalaan upang tulungan ang mga mahihirap na pa­milya, lalo na ang mga nasa iba­ba ng kahirapan upang maha­wakan ang pagtaas ng presyo ng mga kalakal.

“Kailangan nating magsimula ng mga reporma sa supply ng pagkain upang matugunan ang problema ng pagtaas ng presyo ng mga basic commodities. At kasabay nito, para na rin, maaari nating palakasin ang sektor ng sakahan sa Kadiwa outlets, ang mga mamimili ay bumili ng mga produkto ng sakahan sa mga farm gate prices, parang ikaw mismo ang bumili sa magsasaka kaya tala­gang ­murang-mura at kayang-kaya ng bulsa,” ayon pa sa opisyal.

Upang mapatatag ang mga presyo ng mga pangunahing kalakal, dapat na bumili ang gobyerno ng mga kalakal kapag sobra ang suplay at nagbebenta kapag ang mga stock ay mababa.

“Kailangan ang gobyerno kapag mura ang presyo ng bilihin, bumili at mag-imbak para hindi aalagwa ang presyo; kapag tag-araw puwede nang magbitaw, pero hindi gaanong aa­ngat ang presyo,” giit ni Marcos.

“Sa ngayon ay may lamang hanggang ilang tonelada ang pwedeng angkat, pagdating ng ASEAN integration, ang mga importer at mga negosyante ay tatanggalin na, ang aming mga magsasaka ay kawawa. Dapat nating ihanda ang lahat ng sektor lalo na sa agrikultura,” paliwanag niya.