Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May sakit ang anak! Walang pambili ng gamot nangholdap

0 50

Arestado ang isang lalaki matapos niyang mangholdap sa isang pampasaherong jeep sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nangholdap kamakalawa na si Mark Anthony Yburan.

Ayon sa ulat, nagsitalunan ang ilang pasahero ng jeep na bumibiyahe sa Hermosa, Tondo nang magdeklara ng holdap ang suspek.

Samantala, nakapagbulsa si Yburan ng ilang cellphone at wallet.

Hindi pa umano siya nakuntento dahil ma­ging ang manibela ng tsuper ay inagaw niya.

Hindi niya namaneho nang maayos ang sasakyan dahilan para bumangga ito sa iba pang kotse sa daan. Ang nasabing aksidente ang sanhi ng pagkakapansin sa kanya ng pulisya, at kalaunan ay pagkakaaresto.

Nabalik umano sa mga pasahero ang mga ninakaw na gamit at pera habang nasamsam ang kutsilyo na ginamit ng lalaki.

Kuwento ni Yburan, napilitan lang siyang mangholdap dahil wala na siyang trabaho at kailangang-kailangan niya ng pera pambili ng gamot ng kanyang anak na may pneumonia.

“Wala na rin po akong magagawa eh,” aniya pa, sa ulat.

Samantala, batay sa report, dati nang naposasan ang suspek sa kasong pagnanakaw at pagsusugal.

Kasalukuyang nahaharap sa reklamong robbery by intimidation si Yburan. (Vienne Angeles/Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.