Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May sakit sa pag-iisip hinostage delivery boy

0 45

Hinostage ng lalaking sinasabing may kapansanan sa pag-iisip ang isang water delivery boy sa Quezon City, Huwebes ng hapon.

Ang hinostage ay nakilalang si Gabriel Espinosa, 21-anyos, water delivery boy at naninirahan sa Payatas, QC. Siya’y bahagyang nag­tamo ng mababaw na sugat nang itutok sa kanyang katawan ang dala­wang kutsilyo na hawak ng suspek.

Dinala naman sa himpilan ng pu­lisya ang hostage taker na nakilalang si Universe Santos, 46, residente ng Capitol Hills, Brgy. Matandang Balara, QC.

SM food to go Banner Ad

Batay sa inisyal na ulat ng Ba­tasan Police Station 6 ng QCPD, alas-4:30 kahapon ng hapon nang magsimula ang hostage taking sa Alpha Village, Capitol Hills.

Ayon sa mga nagrespondeng pulis, dumaranas ng schizophrenia si Santos at sa hindi malamang dahilan ay biglang hinostage si Espinosa habang nagdedeliber ito ng mga galon ng tubig sa kanilang tahanan.

Matapos ang mahigit isang oras ay ligtas na nasagip ang water delivery boy habang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek.

Wala namang motibo sa nang­yaring pangho-hostage dahil sa sinasabing may sakit sa pag-iisip si Santos. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.