Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May sintomas ng COVID: Antonio Sanchez naospital

0 48

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na dinala sa ospital ang convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez matapos itong magkaroon ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay BuCor spokesman Gabriel Chaclag, sinugod sa Ospital ng Muntinlupa si Sanchez para mapatingnan, ngunit hindi ito tinanggap ng naturang pasilidad at nilipat sa New Bilibid Prison hospital.

Saad ng tagapagsalita, tinanggihan ng nasabing ospital si Sanchez dahil kulang na sila ng kwarto para sa posibleng COVID-19 patient. Nagkaroon umano ito ng flu-like symptom dagdag pa ang kahirapan sa paghinga.

Si Sanchez ay hinatulang guilty sa paggahasa at pagpatay sa University of the Philippines student na si Eileen Sarmenta, at kaibigan nitong si Allan Gomez. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.