Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May Special Draft uli – Marcial

0 127

Pinagbigyan ng PBA ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. na magkaroon muli ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Season 46 Draft sa March 14.

Hindi pa lang sigurado kung ilan ang huhugutin sa special draft.

Noong 2019 ay lima ang kinuha, babalik sa kani-kanilang mother teams sa PBA kapag tapos na ang tour of duty sa national team.

Pipili ang SBP ng mga pangalan sa nagsumite ng application, hindi lang sa mga nasa Gilas pool na.

Ang mga nasa Gilas pool na sumali sa draft ay kasali na rin sa pagpipilian para sa Special Draft.

“The final list will be submitted to the coaching staff of SBP, give us a few days to look at the list,” pahayag ni SBP president Al Panlilio.

Kasama si Panlilio sa Board meeting Huwebes bilang kinatawan din ng Meralco.

Kapag may napili na ay ibabalik kay Commissioner Willie Marcial ang lsitahan.

“We will choose from the existing draft who qualifies for the national team,” panapos ni Panlilio. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.