Abante Tonite Interactive

May Teng o wala, Aces sa must-win

325

Day-to-day pa si ­Jeron Teng, hindi sigurado kung makakalaro sa final game ng Alaska sa ­eliminations sa unang sultada ­ngayon sa Ynares Center sa ­Antipolo.

Bago natapos ang 105-102 win ng Aces sa Phoenix noong isang linggo ay inabot ng knee injury si Teng.

Malaking bagay ang forward sa balikwas ng Alaska inumpisahan ang PBA Governors Cup sa 0-5 pero ngayon ay 4-6 na at nasa quarterfinals ang isang paa.

Toka ng Aces ang NLEX (8-2), matalo o manalo ay top seed na at sigurado sa twice-to-beat sa playoffs.

Kapag nanalo ang Alaska, aakbayan nila sa 5-6 ang NorthPort pero magiging No. 7 ang Aces dahil nilaktawan nila ang Batang Pier 106-00 noong Nob. 3. Kung matatalo ang Aces, aangat sa No. 7 ang NorthPort at maglalaglagan ang Alaska at Columbian (4-7) para sa last quarters berth.

“We know we are going up against the hottest and No. 1-seeded team, so we must bring our ­absolute A-game,” giit ni Aces coach Jeff Cariaso. “We look forward to a tough ­battle. All I can say is we’ve been preparing well and our ­attitude remains the same – find a way to love ­another day.” (VE)