Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May tsansa ang mga van operator

0 346

Tagilid nga yata talaga kalagayan ng mga bus companies sa na nag-ooperate mula sa Maynila patungo sa mga lalawigan.

Una nang nagparamdam ang Victory Liner ng kasunod pang serye ng mas malawak na sisantehan matapos na magtanggal ng mahigit sa 400 na piloto at konduktor.

Aaanhin nga naman ang maraming piloto kung tengga lang naman ang mga unit sa kanilang mga garahe.

Medyo mabigat talaga ito sa sa Victory Liner dahil kailan lamang sila nagre-fleeting at ipinasok ang mga Volvo units sa mga malalakas na ruta gaya ng Pangasinan at Baguio.

Malaki ang kanilang hahabulin dahil hindi lang naman barya-barya ang presyo ng bawat bus.

Sa huling pakikipag usap ko sa mga tropang piloto, nasa P12 milyon na daw ang 2×2 na aircon bus, depende pa sa klase.

Kasunod na nagpahayag ng paggarahe ay ang Jac Liner na sa pagkakaalala ko ay nagpasikat ng mga flexi at euro models mula sa Nissan Philippines noong dekada late 90’s.

SM food to go Banner Ad

Masamang pangitain ang mga pangyayaring ito sa larangan ng mga dambuhalang kumpanya ng bus dahil talagang malalagasan sila pero baka hindi natin nakikita na magandang senyales ito sa mga tourist vans na matagal na ring kinukuba ng pandemya.

Kung lalamya ang biyahe ng bus dahil sa pinapiral pa rin na quarantine, may tsansa ang mga van operators para sumigla.

Sa half capacity kasi ng bus, kakailanganin nilang magtaas ng pamasahe para mabawi ang mga bakanteng upuan.

Ilagay lang natin sa halimbawa ang Cubao-Batangas pier na bago maglockdown ay nasa P275 ang pamasahe, baka maging P450 o P500 ang isang tao niyan at kung ang van ay papayagan ng hanggang pito o walong pasahero sa hilerang isa sa front seat, dalawa sa likod, dalawa sa susunod at dalawa sa pinakalikod (Grandia GL stock seating), papunta pa lamang sa Batangas ay magkakalaman na ang bulsa ng van driver at yung pabalik ay gagawan na lamang niya ng paraan para mabawi ang krudo at toll.

Kaya mga ka-GL, kapit lang!

Kuwentuhan po tayo sa FB add ninyo ako @Carlito Evangelista

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.