Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May utang na pamangkin, sinakyod ng tiyo

0 277

NANG dahil sa utang, pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang pamangkin sa Paoay, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ng Paoay Police Station (PPS) ang suspek na si Danilo Menor, ng nasabing bayan.

Samantala, ang biktima ay nakilala lang sa pangalang `Emerson,’ pamangkin ng suspek.

Sa report, ayon sa PPS, sinisingil daw ng suspek ang kanyang pamangkin (Emerson) sa kanyang utang ngunit napikon ito sa inasal ng pamangkin nang magsalita umano siya ng masama.

Dito, binunot ng suspek ang kanyang patalim at pinagsasaksak ang biktima na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Agad namang sumuko ang suspek sa pulisya at aniya, wala siyang masamang intensyon sa biktima kundi napikon lamang ito sa kanyang inasal. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.