Abante Tonite Interactive

May water shortage hangga’t walang ulan

190

Patuloy na mararanasan ang krisis sa tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan hanggang hindi tumataas ang water level ng tubig sa Angat Dam na nasa above critical level na sa kasalukuyan.

Ito ang inihayag ni Manila Water Spokeperson Jeric Sevilla sa harap nang dinaranas na krisis sa tubig kung saan patuloy na mararanasan ang 12-17 oras na water interruptions, sa sa kabila nang bahagyang pagtaas ng tubig sa La Mesa Dam.

“This situation is going to persist until we get safe and sustainable le-vels in Angat,” ayon kay Sevilla.

Habang inihahanda ng mga mambabatas ang summon para sa Manila Water at iba pang stake holders para sa isang congressional hea-rings sa nagaganap na krisis sa tubig, sinabi ni Sevilla na dapat alamin rin ng mga awtoridad ang iba pang puwedeng mapagkunan ng karagdagang tubig sa Metro Manila .

Ito ay bilang bahagi ng pagha-handa para ma resolba ang krisis sa tubig.
Samantala, magpupulong ngayong araw ang Angat Dam Technical Wor-king Group para pag-usapan ang alokasyon ng tubig na kaya nitong ilabas hanggang nagpapatuloy ang kakapusan sa suplay ng tubig.

Isa ang Angat Dam sa mga pangungunahing pinagkukunan ng tubig ng Manila Water at Maynilad, para sa mga konsumer sa Metro Manila. (Juliet de Loza-Cudia/Mia B­illones)