Abante Tonite Interactive

Mayamang congressman barok mag-English

483

Galing sa can afford na pamilya itong si congressman.

Mayaman at edukado.

 

Kahit mga kapatid nito ay kilala rin sa larangan ng politika.

Pero kahit pala rich kid at sosyal ay sumasablay din sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Sa isang committee hearing, naging barok sa pag-iingles si congressman.

Dalawa lang kasi silang mambabatas ang dumalo sa pagdinig.

Siyempre present ang chairman ng komite at pangalawa sa humarap ay ang nasabing mambabatas.

Natuloy naman ang pagdinig sa nakasalang na isyu ng mga oras na iyon.

Dahil dadalawa lang na present hindi na kailangan pang magtawag ng attendance.

Kaya naman ang diga ng congressman, “Mr. Chair I move to defer the rolling of the call.”

Pero ang tama na dapat na sinabi nito, “Mr. Chair I move to defer the calling of the roll.”