Abante Tonite Interactive

Maymay binilhan ng bahay ang ina

478

Masayang ikinuwento ni Maymay Entrata ang pagbabago sa buhay niya at sa pamilya niya sa morning show na “Magandang Buhay”. Nang dahil sa showbiz ay nakapundar na umano siya ng mga ari-arian para sa pamilya.

Kuwento ng aktres, patapos na umano ang bahay na ipinapagawa niya sa Camiguin at mayroon pa siyang sasakyan dahil kasama umano ito sa isang endorsement niya.

Buhos ang biyaya kay Maymay sa dami ng proyekto niya ngayon. Kaya naman naibahagi rin niya na nakabili siya ng tahanan sa Japan para sa ina niya na 28 taon nang naninirahan doon.

Aniya, “Kasi po ‘yung mama ko no’ng nakita niya ‘yung bahay naiyak siya kasi 28 years na siya do’n sa Japan tapos nagre-rent pa rin sila kasi ang mahal po kasi ng renta doon so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya tapos masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso.” (Ronaline Avecilla)