Abante Tonite Interactive

Maymay binuking ang ‘pagbagsak’ ni Edward

548

Sobrang proud si Maymay Entrata sa mga nakikitang improvement at paggo-grow ng ka-love team niya na si Edward Barbers. Mula nang magsimula sila bilang housemates sa “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7” in 2016 hanggang sa lumabas sila ay nasaksihan niya lahat ang journey ng British-­Filipino actor including­ his ups and downs.

“Sobrang napakalaking bagay po sa akin na saksi ako kung paano siya nag-improve talaga,” pahayag ni Maymay sa presscon ng fantaserye nila ni Edward na “Hiwaga ng Kambat.”

“Kasi, andiyan ako nu’ng sobrang down na down siya, na sobrang halos sabihin na niya na ayaw ko na. Pero ngayon, nakita n’yo naman kung gaano siya kapalaban.”

Pagkatapos ay diretso niyang sabi kay Edward, “kaya sobrang proud na proud ako sa ‘yo.”

Natanong naman si Edward kung kailan ‘yung mga panahong down na down siya.

“Yung first ‘ASAP’ ko po, doon nagsimula, first ‘ASAP’ dance prod, hindi po ‘yung baliw ha, ‘yung first dance prod, parang dance craze ‘yun, nagkamali ako.

“Since then, parang medyo bumaba ‘yung parang self-confidence ko,” sey ni Edward.

At naroroon daw si Maymay na every step of the way ay laging nandiyan sa tabi niya, giving him moral support.

“She’s a woman now, she’s stronger now, pero lahat ng ideals niya, ‘yung morals niya, nandiyan pa rin. And it still amazes me to this day how patient she can be with me, with the people in her life.

“But something that she has learned very well is when enough is enough,” papuri ni Edward.

Ang sweet din naman ng reaksyon ni Maymay na wala raw araw talaga na hindi siya ina-appreciate ni Edward.

“Siya po talaga ‘yung tao na, hindi ko po alam, everytime na ‘pag may ginawa akong maganda ngayong araw na ‘to, ‘grabe, ang galing.’ Basta sobrang thankful po ako na may kilala akong Edward Barber,” sey ni Maymay.

In fairness, parehong totoo naman ang sinabi nila how they have grown now.

Kahit kami ay kitang-kita rin naman namin na ang laki ng improvement nila not just bilang artista kundi as a person especially Maymay na mas naging confident na ngayon sa kanyang sarili.

Nakakatuwa that they compliment each other sa lahat ng bagay. Bagay na bagay ang shy type persona ni Edward sa pagka-madaldal ni Maymay.

Samantala, kasalukuyan nang napapanood ang “Hiwaga ng Kambat” every Sunday kung saan kasama rin nila si Grae Fernandez.