Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maymay dedma kay Edward

0 62

NI: ARCHIE LIAO

Ilang beses nang nauurot si Maymay Entrata sa ka-love team nitong si Edward Barber pero iba na ang reaksyon nito.

Obserbasyon ng mga netizen, kung dati ay warm, excited at kinikilig ito kapag pinag-uusapan si Edward, ngayon ay tila cold, detached at dedma lang ito sa Fil-British actor .

May nang-iintriga pang nabawasan ang pantasya nito sa ka-tandem.

May ilan pang nagbigay ng kulay sa pauso nitong “Hindi ka mahal because….” sa Twitter.

Matatandaang noong nakaraang taon, nagbigay ng opisyal na pahayag ang MayWard na napagtanto raw nilang mas mabuting maging magkaibigan na lamang sila sa kabila ng mga umaasang mauuwi sa romansa ang kanilang love team.

Bata pa raw sila at mas gusto muna nilang magpokus sa kanilang mga karera.

Hirit naman ng ilan, kaya raw dumidistansya ang aktres ay dahil na-disillusion daw ito sa ka-tandem nang lumutang ang umano’y relasyon ng huli sa isang modelo na kumalat sa social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.