Abante Tonite Interactive

Maymay, Edward mag-on na?

0 265

Binisto ni Robi Domingo:

Isang makabuluhang sagot ang itinugon ng sikat na MYX video jockey na si Robi Domingo sa isang segment ng naturang music channel kamakailan.

Sa “MYX Daily Top Ten”, may Q&A portion si Robi para sa mga viewer na kanya namang sinasagot on-air.

May isang fan na nagtanong kung “sila na ba nina Maymay (Entrata) at Edward (Barber)?”

Pagkabasa ng tanong ay humarap sa camera si Robi, natigilan nang ilang segundo, umangat ang dalawang kilay na tila ba sinasabing “Oo”.

Pero, tila umiwas din ito na kumpirmahan nga kung may relasyon na ang MayWard dahil sinabi rin nitong “sila na lang ang tanungin niyo.”

Kamakailan nang magdiwang ng kanilang 3rd anniversary ang MayWard love team kung saan nag-post pa si MayMay ng sweet moments nila together ni Edward. (Jun Lopez)