Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maymay, Edward walang daya ang laplapan

0 78

May laglagang naganap sa latest episode ng “iWant ASAP” dahil sa pagbubuking ni Robi Domingo tungkol sa halikan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Buong ningning kasing sinabi ni Robi na totoo raw at hindi daya ang kissing scene ng MayWard sa pelikula nilang Princess DayaReeese.

“Sa comment section sa chat room, sinabi ni Maymay na, ‘totoo ang kiss namin offcam.’ ‘Yun ang sinabi niya before we went live. Maymay, 2021, kami ba’y nagsisinungaling o hindi na sinabi mo ‘yun?” pagbubuking ni Robi.

Hindi na nakapag-deny si Maymay at ang sey na lang niya, “kuya Robs, choppy ka.”

Pero labis-labis ang pasasalamat ng MayWard sa kanilang mga fans na todo-suporta sa reunion movie nila kahit na nga ba may pandemya.

“Unang una, maraming block screenings from the fans. Super super grateful kami ni Maymay na we were able to drop by a few, at mamayang gabi meron pa,” sey ni Edward.

“Even in the middle of a pandemic they’re still supporting us the way that they did noong wala pang pandemya, So maraming maraming salamat, MayWard family.

‘The support that you gave us in 2020 didn’t stop in 2020, it continued over to 2021. We love you so much. Thank you so much, MayWard family,” dagdag pa ng aktor.

Ayon naman kay Maymay, kahit hindi naging madali para sa kanila ang pagsu-shooting under the new normal environment ay sulit naman daw dahil nga sa suporta na natanggap nila.

“Kasi nakita namin na sulit nga para sa inyo ‘yung movie at masaya kayo, nag-enjoy kayo.”

“Sa lahat po ng MayWard family, Team Edward, Team May, thank you po sa pa-block screening niyo. Grabe kayo, kahit sa panahon natin ngayon, naghihirap tayo pero binigyan niyo pa rin kami ng importansya sa buhay niyo.

“Sa pagsisimula po ngayong bagong taon ay talagang binigyan niyo kami ng parte sa 2021 para mapasaya po kayong lahat,” sabi ni Maymay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.