Abante Tonite Interactive

Maymay hindi normal – Edward

By
526

Panay ang tilian ng MayWard fans sa mediacon ng “First Love” movie nina Aga Muhlach at Bea Alonzo kung saan kasama sa cast si ­Edward Barber.

Hindi kasama si Maymay Entrata sa pelikula, pero grabe ang kilig ng mga fan sa tuwing nababanggit ni Edward ang ka-loveteam nito.

“First love for my experience, it’s always the craziest, it’s always the most painful, but it’s always the one that you look for again.

“Definition of first love for me is insanity, I guess. But it’s always the more exciting one,” ang sabi ni Edward nang matanong kung ano para sa kanya ang first love.

Nang matanggap pala ni Edward ang tawag na makakasama siya sa Aga-Bea movie ay kasama niya ang mom niya at si Maymay.

Sobrang excited daw si Maymay para sa kanya at ang sabi nito, “Kayang-kaya mo ‘yan. I know you can do this. It’s your chance to do it.”
Ang tanong: first love niya ba si Maymay?
“Next question, please. Ha! Ha! Ha!” tawa ng tisoy na binata.

Dugtong niya, “My relationship with Maymay in any way is something I can’t really compare to any other pair I’ve ever seen before.

“I can’t compare it to my parents, I can’t compare it to my friends and their girlfriends or their loved ones. I can’t really compare it because Maymay is not really a normal person.”
Tawanan ang press sa hirit na ‘yon ni Edward.

Paliwanag niya, “That’s not a bad thing. That’s why she’s really amazing than most girls I know, than any girl I know.

“So, it’s not a bad thing. That’s what makes her amazing. So, she’s one of the people, yeah, I loved most of my life, so ‘yun.”
Siya ba, kino-consi­der niya ang sarili niya na normal person?
“No way. Being normal is the worst part of life. I’m just saying. There’s so may people who say, ‘I wanna be normal. You’re weird’. No one normal ever achieved something amazing,” dayalog pa ng 18-anyos na binata.

So, anong matatawag niya sa relasyon na me­ron sila ni Maymay?
“Ah… soulmates,” hiyawan ulit ang MayWard fans sa loob ng Dolphy Theater.

Kay Aga mara­ming eksena si Edward sa movie at mukhang na­ging close sila, na si Aga ay puring-puri si Edward.
Today, Oct. 17, ang nationwide showing ng “First Love”, sa direksyon ni Paul Soriano.