Abante Tonite Interactive

Maymay makeup artist na ni Edward

459

Malaking bagay para kay Maymay Entrata na napili siya bilang kauna-unahang Pinay na rumampa sa Arab Fashion Week sa Dubai noon.

Katunayan, nadagdagan ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili. Napatunayan niya na bukod sa pag-arte at pagkanta ay may talent pala siya sa modeling.
Natuto rin siya on how to groom and style herself sa pagyakap niya sa nasabing hilig.

Trending din lagi ang young actress kapag may mga ganap siya kung saan dinadamitan siya ng iba’t ibang pamosong designers.

Napabalita pa nga noon na balak niyang sumali sa Asia’s Next Top Model. Keri naman niya kasing manamit at dalhin ang kanyang sarili sa catwalk bagamat idinenay niya ito.

Kamakailan, sa isang event kasama ang kanyang ka-loveteam na si Edward Barber, proud na sinabi niya na siya ang type ng German-British-Pinoy actor na mag-make up dito.

Hindi naman big deal ito kay Maymay na make-up-an si Edward dahil kung tutuusin, puwede rin niya itong karerin.

Bago pa man pumasok sa showbiz, hilig na talaga ni Maymay ang modeling.­ Idolo niya ang mga supermodel na sina Tyra Banks at Carla Delevingne. (Archie Liao)