Abante Tonite Interactive

Maymay napatili kay Dong

By
0 796
tonite-pak-allan-diones

Ang cute ng pagka-faney ni Maymay Entrata, na napatili at nasuntok ang ka­labtim niyang si Edward Barber dahil kay Dingdong Dantes.
Nakasama ng MayWard loveteam si Dingdong sa MMFF 2018 movie ni Vice Ganda na “Fantastica” at nabanggit ni Edward na nu’ng unang makita ni Maymay si Dingdong sa set ay nagulat ito, sumigaw at sinuntok siya.
Medyo nahihiyang kuwento ni Maymay, nakatalikod si Dingdong nang dumating siya sa set, so hindi niya ito nabati agad nang mag-“Hi!” siya sa mga kasama niya sa cast. Si Direk Barry Gonzalez daw ang nagsabi sa kanyang batiin niya si Dong.
“Sabi niya (Dong), ‘Hi!’ Sabi ko, ‘Ay, hello, Sir!’ Tapos ayun, nagpapiktyur na ako kay Sir, tapos ang bait niya. ‘Yun po,” tila kinikilig na tsika ni Maymay, na obviously ay na-starstruck kay Dong.
Parang ang saya-saya rin ng Kapamilya young actress nang sabihin niyang nagba-bonding silang cast sa set ng movie. Natuwa siya na ‘yung parang mga mahirap ma-reach na sina Dingdong at Ri­chard Gutierrez ay naging komportable sa kanila sa set.
Aliw ‘yung dayalog ni Maymay na kasama nila sa set sina Dong at Chard, na libre ang tingin-tingin. Nakapag-bonding sila habang nagsu-shooting kaya raw pagsalang nila ay natural ‘yung mga tawanan nila sa eksena.
Bukod sa MayWard ay ka-join din sa “Fantastica” ang DonKiss loveteam nina Donny Pa­ngilinan & Kisses Delavin at ang LoiNie loveteam nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na magsyota in real life.
Ayon kay Dingdong, kapag nakikita niya kung gaano ka-close sa isa’t isa ang tatlong loveteam ay naaalala niya nu’ng bata siya na sa loveteam din siya nag-umpisa. Natuwa raw siya sa mga bagets na ito na nakakakuwentuhan niya sa set ng pelikula.
Actually, hindi pala sila nagkaroon ng time na mag-bonding nang totohanan dahil panay lang sila shoot ng movie. After ng presscon ng “Fantastica” nu’ng Tuesday night ay doon lang sila nagkaroon ng chance na lumabas nang magkakasama, na ang picture nila ay masayang pinost ni Dingdong sa Instagram account nito.
Wagas ang pagkakangiti ni Maymay sa nasabing pic, na kasama rin sina Vice, Edward, Donny, Kisses at Richard.

Cannes Best Actress gumawa ng kalokohang pelikula

Ang lakas ng tawanan sa presscon ng “Fantastica” nang sabihin ni Jaclyn Jose na Aling Fek ang pangalan ng karakter niya sa comedy film fest movie ni Vice Ganda.
Obviously ay naughty ang name na ‘yon, kaya natatawa rin si Ms. Jaclyn habang binabanggit ang Fek. Pinag-cheer pa ni Vice ang mga press at inulit-ulit ang Fek, so naging Fek Fek! Ha! Ha! Ha!
Nanay ni Vice na may-ari ng peryahan ang papel ni Ms. Jaclyn, na ang kantiyaw ni Vice ay ngayon lang nagsi-sink in sa premyadong aktres ang ginawa nitong pelikula na puro kalokohan. Kung kailan daw ito naging Cannes Best Actress ay saka ito gumawa ng ganitong klase ng movie.
Laugh lang nang laugh ang Ms. Jaclyn, na ma­ging ang signature acting nito sa pag-deliver ng linya ay in-spoof ni Vice sa pelikula.
Belat ang name ng karakter ni Vice, na kapatid ang tatlong boys na sina Ronnie, Donny at Edward as Daks, Pepe and Junjun, respectively.
First time mag-comedy ni Bela Padilla na ang pangalan ng kontrabida karakter ay si Queen Umuulan at Kapiling Ka na nasa mundo ng Fantastica.
Si Juliana Parizcova Segovia ay si Songbird na alagad ni Queen Umuulan, na kanang kamay din si Chokoleit bilang Beauty.
Si Lassie ay Chakalyn Jose ang name, habang si MC ay ang kapatid nito na si Chabylyn. Mga sidekick sila ni Belat sa peryahan.
Gangnam ang pangalan ng karakter ni Ryan Bang, na kapatid ni Dingdong as Dongnam. Si Richard ay si Prince, na galing sa mundo ng Fantastica at hahanapin ang mga nawawalang prinsesa sa mundo ng mga tao.
Parang may punchline din ang name ni Chard na Prince pero binulungan siya ni Vice na huwag sabihin ang buong pangalan nito, para siguro huwag spoiler.
As usual ay ang “Fantastica” ni Vice ang hinuhulaang magta-topgrosser sa darating na Metro Manila Film Festival.