Abante Tonite Interactive

Maymay panghimagas kina Kathryn, Alden?

599

Gaano ba talaga ka­tindi ang kasikatan ni Maymay Entrata? Pwede na ba nating ikumpara sa popularidad dati nina Angelu de Leon o Donna Cruz?

Ang kanyang fan base ba, singlakas at singrami noong si Jolina Magda­ngal ay sikat na sikat? Kahit marami ang nagtataka kung paano naging artista si Magdangal dati, ganoon rin ba ang pagtataka kung bakit ang payak na Ganda ni Entrata, sangrekwa ang nabibighani?

Sa paparating na Kathryn Bernardo at Alden ­Richards movie, kasali nga siya sa pelikula.

Ano naman ang gagampanang katauhan ni Maymay? Is your guess as good as mine? Best friend or pinsan na malapit kay Bernardo na kasambahay? O jet set fashion model ala-Crazy Rich Asians?

Nakakapaggalaw na ba ang presensya ni Maymay sa mga produktong inilalako niya sa merkado? Bongga ba siyang panahog o panghimagas sa KathDen movie? Ano sa inyong palagay, my dear Abante TONITE readers?
***

Bea, Charo umariba ba kay Cristine?

May official figures na bang lumabas kung sino sa dalawang pelikulang palabas sa mga sinehan sa kasalukuyan ang mas tumiba sa takilya?

Ang “Maria” ba ni Cristine Reyes ay tunay na umariba at mas naging sensational ang box office gross nga­yong weekend?

O pagsasanib-ganda at puwersa nina Ms. Charo Santos at Bea Alonzo sa “Eerie” ang mas pinagkaguluhan, pinilahan at pinag-usapan?

Sa mga kritikong sina Philbert Dy, Oggs Cruz, Pablo Tariman, Mario Bautista, Rito Asilo at iba pa, ang Pedring Lopez action flick o ang Mikhail Red horror motion picture ba ang kanilang mamos pinaboran at pinapurihan? Sa dalawa, ano kaya ang maraming tigbak ang tinanggap?