Abante Tonite Interactive

Maymay wais sa kita

656

Ngayong taon na ito, sunod-sunod ang naging proyekto ni Maymay Entrata.

Siyempre, mula sa pagkakatuklas sa kanyang potensyal na maging modelo, hanggang sa pagiging bahagi ng success ng blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye”.

Ang sikreto ni Maymay sa walang katapusan niyang energy sa trabaho ay ang pagbibigay ng 100% best niya. Hangga’t maaari ay iniiwasan niya na pagdudahan ang sarili. Kapag nasa punto na susuko na siya ay iniisip niya lang kung paano siya nagsimula.

Kasabay ng marami niyang proyekto ay ang pagiging wais niya sa mga kinikita niya. Lalo na at marami siyang responsibilidad.

Gusto nga raw niya mag-travel pero saka na lang ang gastos na ‘yan. Nalilibre pa naman daw siya ‘pag may show siya at business class pa.

Nagbigay din siya ng payo kung paano makakapag-ipon ng pera. Sey pa niya sa isang panayam, “Kapag nag-save ka ng money dapat ikaw lang nakakaalam, wala nang iba kahit pamilya mo. Bale iibahin mo lang ‘yung budget mo every month tapos ‘yun lang talaga ‘yung gagastusin mo. Kahit zero balance ka na magtiis ka dahil inubos mo.”

Sa kabila rin ng kanyang kasikatang tinatamasa ngayon, palagi pa rin siyang nananatiling humble. (Rona Ronda)