Abante Tonite Interactive

Maymay wish rumampa sa Big Apple

0 292

Kahapon sa presscon ng Knowledge Channel ay ini-reveal ni Maymay Entrata na nag-audition daw siya sa New York Fashion Week bilang katuparan ng pangarap niyang maging fashion model.

Pero maliban dito ay wala nang ibinigay na detalye si Maymay dahil nga hindi pa naman daw niya alam kung makakapasa siya.

“Hindi po kasi biro ‘yun, so hindi ko pa po alam kung sakali mang matutuloy ‘yun,” sabi ni Maymay.

Matatandaang last year ay rumampa si Maymay sa Arab Fashion Week na talaga namang ikinamangha ng lahat.

May bagong show si Maymay sa Knowledge Channel titled “Puno ng Buhay” kung saan ay kasama niya si Khalil Ramos. Dito ay tatalakayin nila ang pag-aalaga sa kalikasan at ating likas na yaman kasama ng Forest Foundation, Phils.

Hindi kasama ni Maymay ang ka-love team niyang si Edward Barber sa nasabing bagong show kaya biniro namin siya na parang mas marami siyang project kaysa sa young actor dahil as we all know ay kasama rin siya sa blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye”.

Pero ani Maymay ay hindi naman daw niya binibilang ang mga proyekto nila and besides, busy rin daw si Edward dahil nag-aaral ito.

Ano naman ang sabi ni Edward sa kanyang bagong show?

“Masaya po si Edward, sabi niya, ‘bakit hindi ako napili? (sabay-tawa). Sabi ko, ‘kasi, dong, puro Tagalog do’n, mabubulol ka do’n, sige ka,’ tapos sabi niya, ‘o sige, mag-ano muna ako ng Tagalog, tapos sali na ako diyan, ha?’

“Pero masaya po si Edward sa akin,” she said.

Samantala, magsisimula na ngayong October ang “Puno ng Buhay” na mapapanood online tuwing Lunes at Linggo, 3:30 pm sa www.knowledgechannelorg. Mapapanood din ito sa pamamagitan ng mga portable media libraries at iba’t iba pang platforms ng ABS-CBN. Ginawa ang programa para sa Grade 4 at 5 sa K-to-12 curriculum.

Miguel babu na ang serye

Sa pagtatapos ng “Sahaya” ngayong gabi, ibinahagi ni Miguel Tanfelix ang kanyang pinaka-importanteng natutunan portraying the role of Ahmad.

“To fight for what you love. Because Ahmad’s journey is all about fighting for ‘Kampong’ and Sahaya,” pahayag ni Miguel.

Tulad din ni Bianca Umali, pinakamagandang bagay raw na nangyari sa kanya in portraying Ahmad ay ‘yung ma-experience ang buhay at kultura ng mga Badjaos.

“To embody them thru the character, their hardships and way of living is a great experience and learning,” aniya.

Pinakapaborito naman niyang eksena sa buong journey niya sa “Sahaya” ay ‘yung nasa gitna sila ng dagat.

“Whenever we do scenes in the middle of the sea. Because being close to nature while filming doesn’t feel like work. I feel like a real Badjao. And as an actor, it’s important to dig deeper into your character when you’re doing a scene,” sey niya.

Samantala, mahigit limang buwan ding umere ang “Sahaya” na nagbigay ng kakaibang kuwento ang inspiring story sa mga manonood. At sa pagtatapos nito, nais ipahayag nina Miguel, Bianca at Migo Adecer ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa serye.