Abante Tonite Interactive

Maynila at Quezon City maraming isasarang kalye para sa MRT-7

By
741

Asahan ang matinding trapik ngayong pagpasok ng Mayo sa Maynila at Quezon City dahil isasara ang ilang kalye bunsod ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build project ng gobyerno tulad ng Metro Rail Transit 7 (MRT-7).

Ayon kay Frisco San Juan Jr., Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) deputy chairman, magsisimula na ang mga pribadong kontraktor ng MRT-7 para sa back-to-back infrastructure project nitong darating na linggo.

Sa Abril 30 (Lunes), isasara ang westbound lane ng Regalado Highway sa Quezon City at ang eastbound lane ay bukas sa mga motorista.

Ipatutupad ang one-way traffic mula Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue.

Sa koordinasyon ng MRT-7 Traffic Management Task Force, sabi ni San Juan na sa Mayo 1 ay sisimulan na rin ng mga pribadong kontraktor ang MRT Tandang Sora station sa Sora intersection-Commonwealth Avenue.

“They will begin laying the foundation for a number of posts that will close three lanes on both southbound and northbound of Commonwealth Avenue,” sabi ni San Juan sa isang press briefing kahapon sa MMDA.

Kasama din sa gagawin ang elevated guide way, demolition sa exis­ting flyover at provision sa north at southbound flyover, na matatapos nang taon.

Sa Mayo 1 ay sisimulan na rin ang paghuhukay para sa tunnel sa kahabaan ng North Ave­nue hanggang Commonwealth Avenue, na aabot nang walong buwan kaya’t ang dalawang lane sa kahabaan ng North Avenue ay isasara sa mga motorista.

Sa Mayo 6 ay magla­lagay ng install box girders para sa rail track ng MRT sa kahabaan pa rin ng Regalado Highway.
Habang isinasagawa ang proyekto, ang Regalado Highway mula Mindanao hanggang Commonwealth Avenue ay totally closed sa trapiko simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga. (Armida Rico)