Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynila binuksan walk-in testing center

0 275

Inilunsad na ang unang walk-in COVID-19 testing center sa Ospital ng Sampaloc sa Maynila para sa residente at hindi residente ng Maynila.

Susundan umano ito ng marami pang walk-in testing centers tulad sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital at Ospital ng Maynila. Bukod dito, may dalawa na ring drive-thru testing center ang una nang binuksan sa lungsod at umaasa na marami pa ang maseserbisyuhan nito ayon kay Mayor Isko Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.