Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynila ‘di kontrolado mga tao sa dolomite beach

0 96

Inamin ng Manila Bay Coordinating Office (MBCO) na wala silang nagawa at hindi nila nakontrol ang pagdagsa ng mahigit sa 10,000 katao sa Manila Baywalk Dolomite Beach noong Linggo.

Sa harap ng mga batikos ng lantarang paglabag sa health protocols, partikular sa social distancing, sinabi ni MBCO deputy executive director Jacob Meimban na nagulat din sila sa buhos ng mga taong nagtungo sa baybayin.

Ang dolomite beach ay may sukat na 1.2 ektarya at maaari lang tumanggap ng hanggang 5,000 katao.

Mayroon din aniya silang mga ground commander para magmintena ng kaayusan at katahimikan sa paligid ng dolomite beach, gayundin ang clicker para magtala ng bilang ng mga taong pumapasok dito.

Gayunman, wala aniya silang kontrol sa mga pumapasok dito gaya ng bulto ng mga pamilya na may kasamang matanda at bata.

Hindi na rin umano nila napagbawalang makapasok ang mga hindi pa bakunado dahil lalong magtatagal at magkukumpulan ang mga tao kung isa-isang susuriin kung mayroon silang mga vaccination card. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.