Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynila inuulan ng mga parangal, salamat sa Diyos

0 54

May kasabihan na “when it rains, it pours.”

Sa aming mahal na lungsod ng Maynila, ito ay naging totoo sa pagbuhos nitong mga nakaraang araw ng mga parangal sa aming pamahalaang-lokal, salamat sa Panginoon, sa aking mga kasamahang manggagawa sa City Hall at maging sa aming mga nasasakupan.

Sunod-sunod na ginawaran ng pagkilala ang Maynila para sa iba’t-ibang aspeto ng pagpapatakbo ng pamahalaang-lungsod kung saan direktang nakikinabang ang mga mamamayan.

Buong pagmamalaki at karangalan kong ibinibigay ang kredito sa pagsisikap at galing ng aking mga kasamahan sa trabaho dahil hindi ko magagawang mailatag nang maayos ang aking mga programa at di rin ako magiging matagumpay kundi dahil sa kanilang tulong at suporta.

Nito lamang nakaraang Huwebes at ginawaran ang Maynila bilang “2021 Most Business-Friendly” local government unit ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), na nagsabing ang pagkilala ay dahil sa pagpapanumbalik at pagpapataas ng business operations sa pamamagitan ng mahalaga at tuloy-tuloy na mga bagong aksyon, programa at polisiya.

Taos-puso akong nagpapasalamat sa mga opisyal ng PCCI. Tinitiyak ko sa kanila at sa publiko na tuloy-tuloy lamang ang paglikha ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ng mga programa and proyekto para sa kapakinabangan ng business sector.

Maraming salamat sa pagkilala sa aming munting pagsisikap upang tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo sa Maynila. Layunin naming buhayin ang ekonomiya at lumikha ng trabaho para sa lahat.

Titiniyak ko sa mga mamumuhunan at negosyante na ang Maynila ay mananatiling “business-friendly” sa mga darating na taon sa pamamahala ni Vice Mayor Honey Lacuna.

Ang Manila Support Local Campaign, Business One Stop Shop at Go Manila App ay ilan lamang sa mga programang matagumpay na ipinatupad ni permits bureau chief Levi Facundo at naging dahilan upang kami ay gawaran ng nasabing award.

Bago ang PCCI award, tatlong parangal ang iginawad sa Maynila ng Digital Governance Awards 2021 (LGUs Best Practices in Information and Communication Technology).

Ito ay ang Best in Customer Empowerment Award for ‘Connection for Inclusion’ (first place, city level); Best in LGU Empowerment Award for its COVID-19 Testing Center Web Lab-IS (first place, city level) at Best in Business Empowerment Award para sa GO Manila App end-to-end solution (2nd place, city level).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna rito ay nanguna naman ang Maynila sa 2020 Highly Urbanized Cities sa 32 iba pang LGUs sa bansa batay sa Cities and Municipalities Competitive Index website ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang CMCI ay likha ng DTI at National Competitiveness Council (NCC) sa tulong ng United States Agency for International Development.

Ang NCC ay binuo ng Executive Order No. 44 na layong i-promote ang mas competitive na bansa at lumikha ng kultura ng kagalingan sa pamamagitan ng public-private sector collaboration bilang paraan upang maibsan ang kahirapan.

Sa ilalim ng sistema, ang mga lungsod at munisipalidad ay nira- rank sa kanilang “competitiveness” base sa overall competitiveness score na binabatay naman sa values ng actual data at kumpletong data na isinumite ng local government units.

Ang sukatan ng ‘competitiveness’ ng mga LGU ay may apat na indicators: economic dynamism o mga aktibidad na lumilikha ng mga trabaho at negosyo sa lungsod; government efficiency o kalidad ng serbisyo; infrastructure o physical development ng lungsod at resiliency o kakayanan para ituloy ang mga pagbabago sa kabila ng trahedya.

Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat sa DTI family at tinitiyak ko na ang mga parangal na inyong iginagawad sa amin ay magsisilbi bilang inspirasyon at ‘motivator’ para sa lahat ng mga manggagawa sa pamahalaang-lungsod ng Maynila upang higit kaming magsikap na ibigay pang lalo ang lahat ng posibleng pinakamagaling na serbisyo para sa mga residente.

Ipinakikita lamang ng mga naturang parangal na tama ang tinatahak ng Maynilaat lahat ng pro-people programs namin ay nagugustuhan hindi lamang ng mga mamamayan ng lungsod kundi maging ng national government .

Ang mga dumarating na awards sa Maynila ay hindi lamang para sa akin. Ito ay aking ibinabahagi din sa aking napakasipag at supportive na katuwang na si Vice Mayor Honey Lacuna at lahat ng opisyal at empleyado sa lungsod na lahat ay naging katuwang ko upang magtagumpay sa loob lamang ng dalawang taon kong panunungkulan bilang alkalde.

Bonus kong itinuturin ang mga nasabing parangal para sa lahat ng aming pagsisikap at ibinabalik ko ang lahat ng kredito sa aming mga kawani na kahit kelan ay hindi nagbago ang suporta at pagsisikap na tulungan akong maibangong muli ang Maynila, matapos ang mga taong ito ay napabayaan.

***

Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, kailangan ko ang tulong ninyong lahat. Walang magmamalasakit sa Maynila kundi tayo ding mga Batang Maynila. Manila, God first! *** Maari ninyong malaman ang mga pinakahuling kaganapan sa pamahalaang-lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng pagbisita sa aking kaisa-isang lehitimong Facebook account— ‘Isko Moreno Domagoso.’

Leave A Reply

Your email address will not be published.