Abante Tonite Interactive

Maynila, naglalaway sa P300M

By
14

Kikita umano ng mahigit P300 milyon ang pamahalaang lokal ng Maynila mula sa mahigit 1,000 bagong negosyo na magbubukas sa lungsod sa susunod na taon.

Ayon sa Bureau of Permits ng city hall, inaasahang magbubukas ang mga bagong negosyo sa Enero habang may 45,000 naman ang magre-renew ng kanilang mga business permits.

Kikitain umano ito mula lamang sa mga business permits at hindi pa kasali ang mga malilikom sa buwis.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Bureau of Permits director Fortune Mayuga na nagkaroon ng “business boom” at lalong tumaas ang ekonomiya ng lungsod ngayong nasa ikalawang termino na si Mayor Joseph Estrada.

Aniya, may 10 malalaking business process outsourcing (BPO) na kumpanya rin ang nagbukas sa lungsod.

Ilan sa mga lugar na lumalakas ang komersyo ay ang Malate, Sta. Ana, at Sampaloc. Ngayong 2017, mahigit 54,000 mga negosyo ang nakarehistro sa Manila.

Gumanda umano ang business climate sa Maynila dahil makukuha at mare-renew na ang business permit sa loob lang ng 30 minuto upang mas makaakit pa umano ng mga negosyante.

Noong Agosto, sunod sa Quezon City ay tinanghal na ikalawang “most competitive city” ang lungsod ng Maynila sa buong Pilipinas sa taunang Regional Competitiveness Summit.