Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynila nakapagturok na ng 1M COVID bakuna

0 36

Nasa mahigit 1 milyon doses ng COVID-19 vaccines na ang naipamigay ng lokal na pamahalaan ng Maynila simula nang magsimula ang vaccination rollout sa bansa noong Marso.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, base sa datos ng Manila Health Department, hanggang kahapon ng umaga ay may kabuuang 1,000,021 COVID-19 vaccines na ang kanilang naiturok sa mga residente.

Sa naturang bilang, 657,748 ang nabigyan ng unang dose habang 342,273 ang nabigyan ng second dose o fully-vaccinated na.

Hinimok rin muli ng alkalde ang mga Manilenyo at ang publiko na magpabakuna na upang maproteksiyunan sila laban sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.