Abante Tonite Interactive

Maynila pang-8 na malinis ang hangin sa Southeast Asia

220

Ikinatuwa ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagkakapuwesto ng lungsod bilang ikawalo sa mga lugar na nagtataglay ng malinis na hangin sa Southeast Asia.

Ayon kay Estrada, ang pagkakaroon ng malinis na hangin ay bahagi ng kampanya ng lungsod upang mabig­yan ng maayos at malinis na kapaligiran ang Manilenyo.

Batay sa Switzerland-based IQ AirVisual at Greenpeace’s 2018 Air Quality Report, ang particulate matter o mas kilala sa PM2.5 (µg/m³) ang sumukat sa mga lungsod ng 73 bansa kung saan lumitaw na nasa rank 8th ang Maynila na may 14.3 µg/m³ na may malinis na hangin

Ang PM2.5 ay tumutugon sa particulate matter (ambient airborne particles), na sumusukat ng hanggang 2.5 microns kung saan maaaring maapektuhan ang kalusugan ng mga Pilipino.

Binigyan-diin pa ni Estrada na ang nakuha nilang ranking ay magsisilbing inspirasyon upang pagbutihin pa ang kanilang pagsasaayos sa Maynila.

Kasabay nito, sinabi ni Estrada na todo ang kanilang suporta sa programa ng DENR sa paglilinis ng Manila Bay upang tuluyan nang malinis ang iba’t ibang dalu­yan ng tubig sa bansa.