Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynila, Taipei kapit bisig kontra COVID – Isko

0 104

Suportado umano ng Taipei government ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Maynila laban sa pakikipaglaban sa COVID19 pandemic.

Nabatid kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nitong weekend ay nag-donate ang Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) sa pangunguna ng kinatawan nito na si

SM food to go Banner Ad

Peiyung Hsu ģ ng 15,000 medical masks sa lokal na pamahalaan at may pangakong magkakaloob ng iba pang uri ng tulong sa mga ginagawang paraan ng lungsod upang masugpo ang coronavirus.

Si Manila Mayor Isko Moreno ay sinamahan nina Vice Mayor Honey Lacuna, Secretary to the Mayor Bernie Ang at 3rd District Councilor Atty. Jong Isip sa pagtanggap ng donasyon na ibinigay ni Representative Peiyung Hsu, kasama si Kenway Tan na kumatawan sa alkalde ng Taipei. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.