Abante Tonite Interactive

Maynila tularan sa pagbabago

521

SULAT KAY EDITOR

Dear Abante Tonite:
Nakakatuwang pagmasdan ngayon ang mga lugar sa lungsod ng Maynila na dating magulo ngunit maayos nang tingnan ngayon.

Wala na ang mga nakakasagabal sa daraanan ng mga tao at sasakyan. Maganda nang tingnan ang Divisoria, Quiapo at iba pang lugar na sinimulang linisin ng bagong pamunuan ng Maynila.

Sa mga nakalipas na panahon ay walang gumawa nito gayong kayang-kaya naman palang gawin at hindi na kinakailangan pang magkagulo.

Ang mahalaga kasi ay mayroong political will ang nagpapatupad ng kautusan. Walang mangyayari kung puro dakdak lang. Walang patutunguhan.

Sana mangyari rin po ito sa iba pang lugar hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa. Maging sukatan sana ng pagbabago sa pamamahala ng mga politiko ang mga kaganapan ngayon sa Maynila.

Magandang pagkakataon ito na nag-uumpisa pa lamang mamuno ang mga newly-elected officials ng mga local government. May fresh mandate sila para gawin kung ano ang nararapat gawin.

Sama-sama tayo sa pagbabago. Maraming salamat po.
Edison ng Balut, Tondo