Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynila zero pasyente na sa mga quarantine

0 50

Wala nang pasyente sa lahat ng mga quarantine facility sa lungsod ng Maynila, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Aniya, mayroong 870 bed capacity ang mga quarantine facility sa lungsod subalit wala nang pasyente sa mga nakalipas na araw.

Sa kabila nito, wala umanong balak ang lokal na pamahalaan na gamitin sa ibang bagay ang mga quarantine facility hangga’t hindi natatapos ang holiday season bunsod ng pangamba na baka magkaroon uli ng hawaan ng COVID dahil sa mga pagtitipon sa Kapaskuhan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi pa ni Moreno na wala ring iniulat na nasawi dahil sa COVID noong Biyernes kung saan 17 ang naitala na bagong dinapuan ng coronavirus.

Ayon kay Moreno, nitong nakaraang dalawang buwan, ang lungsod ay nakapagtatala ng 200 kaso ng COVID kaya naman nagbabala ito na sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga dinapuan ng virus ay kinakailangan pa rin ang masusing pag-iingat.

Ang occupancy rate ng anim na ospital sa Maynila, ayon kay Moreno, ay nasa 17 porsiyento habang 15 porsiyento naman ang okupado mula sa 344 bed capacity ng Manila COVID-19 Field Hospital. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.