Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynilad 21 araw antala serbisyo sa Las Piñas, Cavite

0 173

Makakaranas ng pagkaantala sa serbisyo ang mga kostumer ng Maynila Water Services Inc. mula November 1 hanggang 21 sa Las Piñas at ilang bahagi ng Cavite siula Nobyembre 1 hanggang 21.

Sa inilabas na advisory ng Maynilad, magkakaroon sila ng facility upgrade sa malaking Pagcor Pumping Station sa Brgy. Tambo sa Parañaque City para sa enhanced earthquake resiliency para mas palakasin ang serbisyo sa West Zone.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Payo naman ng Maynilad na asahan na lalabas sa mga gripo ang maruming tubig kaya pinapayuhan na padaluyin muna ang pag-agos sa gripo hanggang luminaw at maaari nang magamit.

May piling oras na mawawalan ng tubig Las Piñas na sakop ang CAA, Manuyo Dos, Pamplona, Uno hanggang Tres, Pulang Lupa 1-2, Talon 1 at Zapote. Gayundin sa

Bacoor, Cavite at apektado ang bahagi ng Bayanan, Ligas III, Molino 1 hanggang 4 at San Nicolas 1-3, kasama pa ang piling lugar sa Imus. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.