Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maynilad kumpleto na 6.7km water pipeline project

0 103

Tapos nang gawin ng Maynilad Water Services Inc. ang muling pag-aayos pagpapalit at paglilipat sa 6.7 kilometrong water pipeline nito noong 2020 para mapabilis ang implementasyon ng ilang infrastructure project ng gobyerno.

Ayon sa Maynilad, kanilang ipinaayos ang mga primary at secondary pipeline sa ilang bahagi ng Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Parañaque at Las Piñas para bigyang-daan ang patuloy na construction work ng mga bagong riles, drainage line at iba pang vital installation.

Kabilang dito ang Philippine National Railways (PNR) North, Metro Rail Transit (MRT) Line 7 at Light Rail Transit (LRT) Line 1 Extension na magdudulot ng mas mabilis na biyahe para sa libu-libong commuter kapag natapos gawin ang mga nasabing proyekto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Maynilad chief operating officer Randolph T. Estrellado, importanteng matiyak na hindi nabibitin ang pagpapagawa ng mga proyekto ng gobyerno kung kaya’t todo suporta sila rito.

Binibigyan din aniya ng Maynilad ng konsiderasyon ang kanilang mga kustomer na apektado ng pansamantalang pagkaputol ng suplay ng tubig gayundin ang mga motorista na dumadaan sa mga construction site.

Ang Maynilad ang pinakamalaking private water concessionaire sa Pilipinas batay sa customer base nito. Ito ang concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa West Zone ng Greater Manila Area, na binubuo ng ilang lugar sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City at Makati gayundin sa Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon sa Metro Manila. Kasama rin ang mga lungsod ng Cavite, Bacoor at Imus at mga bayan ng Kawit, Noveleta at Rosario.

Leave A Reply

Your email address will not be published.