Abante Tonite Interactive

Maynilad, Manila Water tumitiba sa pekeng bayarin

By
192

Ibinunyag ng isang kongresista na 20 por­syento ng binabayarang water bill ng mga customer ng Maynilad at Manila Water ay para sa gastos ng waste water facilities.

Ngunit ayon kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, hindi naman napapakinabangan ng mga customer ang mga waste water faci­lity ng dalawang concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS).

“Technically, all household wastewater should be cleaned as part of the service to be provided by Maynilad and Manila Water. But instead of doing so, consumers are even charged for a service, which is about 20% of our water bills, that is not being rendered to them. Kawawa naman ang mga tao, bayad tayo ng bayad but they have not delivered,” giit ni Atienza.

Dahil sa kabiguan ng Maynilad at Manila Water na makapagtayo ng mga waste water facility, sinabi ng mambabatas na nagmistulang pozo negro na ang Manila Bay, Laguna de Bay at Pasig River dahil sa dito bumabagsak ang maruming tubig ng kabahayan sa Metro Manila.

Sinisisi ni Atienza ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil hindi nila napasunod ang dalawang kompan­ya sa kanilang obligasyon nang makuha ang kontrata sa MWSS nung 1997.

“…what has the DENR done to compel Maynilad and Manila Water to fulfill their obligation to put up water-treatment facilities which they have failed to do so since their contract started in 1997?” ayon kay Atienza.

Giit ni Atienza, bigyan na lang ng pisong budget ang DENR para sa taong 2019 dahil sa palpak nilang trabaho.
Ang Maynilad ay minamay-ari ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan, habang ang Manila Water ay pinapatakbo ng mga Ayala.