Abante Tonite Interactive

Maynilad–MVP kumita ng P4.5B, gustong malibre sa tax

228

Humirit pa rin ang Maynilad Water Services Inc. na malibre ito sa pagbabayad ng corporate income tax ng Metropolitan Water and Sewerage System sa kabila nang patuloy na paglago ng kita nito.

Sa kabila ng kakulangan ng tubig, tumiba pa rin ang Maynilad Water Services Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan ng P4.5 bilyon nung first half ng taon, mas mataas ng 15% kumpara sa net income na itinala nito nung first half ng 2018.

Ayon sa DMCI H­oldings Inc. ng mga Consunji, lumago ng 12% ang water at sewer service revenue ng Maynilad sa P12 bilyon nung unang anim na buwan ng taon, kumpara sa parehong panahon nung 2018. Dagdag pa ng DMCI, lumaki ang revenues dahil mas marami ang nasi-ngil nitong tubig at dahil na rin sa 5.7% na adjustment na pinayagan ng MWSS nung Enero 2019 at ng tariff adjustment na 2.7% na inaprubahan nung October 2018.

“Unfortunately, this rebasing did not address Maynilad’s corporate income tax recovery issue inherited from the previous administration which continues to work its way through the court system,” sabi ng DMCI.

Hinila ng Maynilad sa korte ang MWSS para hindi ito singilin ng corporate income tax na binabayaran ng mga kumpanyang nagnenegosyo sa bansa.

Sabi ng DMCI, ang parte nito sa net earnings ng Maynilad ay lumago ng 16% sa P1.1 bilyon ng first half ng 2019 mula sa P950 milyon na kinubra nito nung parehong panahon nung 2018.

Ayon sa DMCI, 16.2% ang taas- singil na pinayagan sa Maynilad na gagawin on a staggered basis. (Eileen Mencias)