Abante Tonite Interactive

Maynilad-MVP, MWCI markado sa panlalamang sa mga kostumer

By
0 152

Dati na umanong markado sa pagiging hindi tapat ang dalawang water concessionare na Maynilad at Manila Water.

Kaya naman duda si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy sa ipinahahayag ng mga ito partikular na sa nangyayaring pagkaputol ng supply ng tubig.

“I am skeptical of and doubt the statements of the water concessionaires because they have not been completely honest in the past. There are still many issues I have with them and with MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) that I feel are unresolved in favor of Filipino consumers,” pahayag ng lady solon.

Noong taong 2011, nadiskub­re na ng Bagong Henerasyon Party-list na ang dalawang concessionaire ay may sablay na sa performance at hindi umano nagampanan ang itinatadhana ng mga concession agreement.

“Unfortunately, close to 15 years of privatization, the concessionaires are hardly on target in the performance of their obligations and commitments: they have not met the target of 100% water coverage that they committed to do within 10 years of their contract; the increases in their water rates have been horrendous; they have not achieved their target of uninterrupted, 24-hour water service to all connec­ted customers; and, their 25-year horizon looks dim for a waste water program being put in place for the improvement of public health and environmental conditions,” nakasaad sa 2011report ng Bagong Henerasyon Party-list.

Sa nasabi ring report ay nabulatlat ang pagpapalawig ng 25-taong concession sa karagdagang 15 taon bago pa man mapaso ang mga concession agreement para sa dalawang concessionaire sa 2022.

Hindi umano dumaan sa hea­ring, public notice o hindi man lang isinaalang-alang ang performance ng mga concessionaire sa loob ng 10 o 15 taon.

Walang nakitang matinong rason ang Bagong Henerasyon Party-list para sa pagkakaloob ng ekstensyon.

Kahina-hinala rin umano na minadali ito at hindi isinaalang-alang ang interes ng publiko.

Bunsod nito, nananawagan si Herrera-Dy sa liderato ng Kamara na aktuhan na ang mga panukala na magbibigay ng mga medium-term at long-term solution kaugnay sa problema ng supply ng tubig sa Metro Manila at karatig na lugar.