Abante Tonite Interactive

Maynilad yumuko sa MWSS, soli-bayad sa Las Piñas susundin

240

Tinanggap na ng Maynilad Water Services Inc. ang ipinataw na multa sa kanila ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) matapos ang mga naganap na water service interruption ng kompanya sa mga residente ng Barangay Captain Albert Aguilar, Las Piñas City.

Inihayag ito ni MWSS Chief Regulator Patric Ty sa isang programa na ginanap sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Nabatid na ipatutupad ang soli-bayad sa buwan ng Agosto.
Una nang inatasan ng MWSS ang Maynilad na mag-refund sa kanilang mga kostumer na naapektuhan ng water service interruption sa nasabing barangay na nagkakahalaga ng P2,500 para sa bawat tahanan.

Isasauli ang P2,500 sa pamamagitan ng pagbawas nito sa billing ng kanilang mga kostumer.

Ipinag-utos ng MWSS Regulatory Office ang refund dahil sa kabiguan ng Maynilad na tuparin ang obligasyon nito sa ilalim ng kanilang Concession Agreement.