Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayo 9 dineklarang holiday ni Duterte

0 51

Idineklara ng Malacañang ang May 9, 2022 bilang special (non-working) holiday sa buong bansa para bigyang-daan ang pagdaraos ng eleksiyon.

Nakapaloob ang deklarasyon sa Proclamation no. 1357 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Mayo 5.

Ayon sa proklamasyon, mahalagang gawing non-working holiday sa Lunes, Mayo 9, para magamit ng mga Pilipino ang karapatang bomoto.

Una nang hiniling ng Commission on Elections (Comelec) na gawing holiday ang halalan sa Mayo 9.

Mahigit 65 milyon ang rehistradong botante para sa idaraos na eleksyon sa Lunes, base sa datos ng Comelec.

Nauna nang bomoto ang mga Pinoy sa ibang bansa at nagkaroon na rin ng local absentee voting. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.