Abante Tonite Interactive

Mayon evacuees pagagamitin ng portalets

By
1,508

Inatasan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na dalhin ang lahat ng maaaring magamit na portalet sa Metro Manila para sa mga evacuees sa Albay.

Ang kalusugan ng mga bakwit ang isinaalang-alang ng Pangulo matapos siyang bigyan ng briefing ng mga local executive sa Legazpi City sa kondisyon ng mga naapektuhan ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon.

Sinabi ng Pangulo na dapat masiguro ang hygiene at sanitasyon ng mga bakwit para maiwasang magkaroon ng outbreak ng iba’t ibang sakit.

Inatasan din ni Pangulong Duterte ang Department of Health (DOH) na tutukan ang kalusugan ng mga bakwit na nasa iba’t ibang evacuation centers

“If there are available portable toilets in Metro Manila, we can always send them…I will ask somebody in my office to take care of where to find for it and send them immediately. Ipasa ko ‘yan kay Defense secretary so that he can request the AFP to transport them immediately,” ani Pangulong Duterte.

Kasabay nito, itinalaga ng Pangulo si Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino, para pangasiwaan ang mga pangangailangan ng mga taga-Albay sa harap ng patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon.