Abante Tonite Interactive

Mayon may aktibidad pa din

By
648

Nananatili pa rin ang Alert Level 2 sa Mount Mayon dahil sa patuloy na namo-monitor na aktibidad nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa latest bulletin ay nakapagtala pa ng dalawang volcanic earthquakes sa Mayon sa nakalipas na 24 oras habang mayroon pa ding ipinamamalas na mahina hanggang moderate na paglabas ng abo na may taas na 500 meters.

Mayroon pa din umanong crater glow sa paligid ng summit na mao-obserba sa gabi kung saan ang sulfur dioxide (SO2) emission nito ay nasa 994 tons/day.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling may banta sa biglaang pagsabog sa paligid ng bulkan kaya naman mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius ­Permanent Danger Zone at seven kilometer radius Extended Danger Zone mula sa Anoling, Camalig hanggang Sta. Misericordia at Sto. Domingo.

Bawal pa rin ang paglipad ng mga eroplano malapit sa summit.