WebClick Tracer

VISMIN

Mayon nag-alburoto, 6 barangay sa Legazpi binalot ng abo

ABANTE TONITE

Active volcano with a plume of steam and ash rising from its summit against a blue sky.

Kinumpirma ng Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office na nakaranas ng ashfall ang mga residente mula sa anim na barangay sa paa­nan ng Bulkang Mayon.

Muling naganap kahapon ng alas-11:22 ng umaga ang lava collapse at pyroclastic density current sa Bulkang Mayon na rumagasa pababa ng Miisi Gully.

Ayon sa Legazpi City DRRMO, nag-ulat anya sa kanilang tanggapan ang barangay officials na nakaranas ng light ashfall ang mga residente ng anim na barangay ng lungsod na nasa paanan ng Bulkang Mayon.

Ang mga ito ay Brgy. Matanag bandang ala-1:04 ng tanghali; Brgy. Buyoan (Iraya part) ala-1:02 ng tanghali; Brgy. Mabinit ala-1:16 ng tanghali; Brgy. Bigaa ala-1:45 ng tanghali; Brgy. Bogtong ala-1:49 ng tanghali at Brgy. Pawa ng ala-1:30 ng tanghali.

Kaugnay nito, muling hinigpitan ng PNP ang mga border control point sakop ng six-kilometer permanent danger zone o PDZ

Mahigpit ang babala ng Phivolcs na layuan ang idineklarang PDZ dahil sa patuloy na alburoto ng Bulkang Mayon. (DWAR Abante Radyo)

Opinion