Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor Belmonte nanguna sa QC survey

0 48

Muling nanguna sa survey si Mayor Joy Belmonte sa Quezon City sa inilabas na ‘independent survey’ ng RP-Mission and Development Foundation Inc. nitong September 6, 2021.

Kung gaganapin nga raw ang halalan sa ngayon, para sa pagkapunong-lungsod, 57% ng mga botante ay mananatiling iboboto pa rin ang nag-iisang anak na babae ni dating Quezon City Mayor at House of Representative Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.

Malayong pumangalawa kay Mayor Joy ang dating punong-lungsod na si Herbert Bautista na may dalawamput-apat na porsiyento (24%) lamang.

Nasa pangatlong posisyon naman si Anakkalusugan Partylist Representative Michael “Mike” Defensor, nang makakuha ito ng 14% sa nasabing survey.

Tayo po ang unang administrasyon sa lungsod na nabigyan ng karangalan na ito dahil sa ating istriktong pagsunod sa mga polisiya at sa kultura ng maayos na pamamalakad na ating ginagampanan mula noon pang manungkulan si Mayor Belmonte,” paliwanag ni Atty. Orlando Casimiro, ng chief Legal Department ng QC. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.