Abante Tonite Interactive

Mayor, bise kinasuhan sa biniling abono

0 354

Sinampahan ng dalawang bilang ng kasong graft ng Sandiganbayan ang dalawang alkalde, bise alkalde at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cagayan dahil sa maanomalyang pagbili ng fertilizer noong 2004.

Ayon sa Sandiganbayan, nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga opisyal sa pagbili ng P4.9M halaga ng fertilizer na hindi dumaan sa public bidding.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Tuao Mayor Francisco Mamba Jr., Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, municipal treasurer Rodolfo Cardenas, administrative assistants Merlinda Dayag at Jose Palacpac, accounting clerk Anabel Turingan, agricultural officer Teresita Espinosa, clerk Juliana Filipina Padilla, at agricultural technologists Leticia Acob at Petra delos Santos.

Sinampahan din ng graft si Ramon Aytona, kinatawan ng Feshan Philippines.
Ayon sa graft court, nagsabwatan ang mga akusado sa pagbili ng 3,333 bote ng Bio-Nature Liquid Organic Fertilizers sa halagang P1,500 kada bote mula sa Feshan Philippines mula Abril-Hulyo 2004

Walang public bidding at direct contracting ang ginamit na proseso ng mga opisyal na malinaw na paglabag sa procurement law. (Tina Mendoza)